Mahigpit ang paalala ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na hindi na mandatory ang pagsasailalim sa kanilang mga empleyado sa Coronavirus disease 2109 (COVID-19) bago sila makakabalik sa trabaho.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga empleyado lamang na may sintomas ng COVID-19 ang kailangang magpa-covid test.
Mahigpit din ang paalala ni Bello sa mga employers na dapat sundin ang minimum health standards gaya ng pag-chech sa temperature ng mga empleyado at pagpapatupad ng mahigpit na sanitation protocols.
Dagdag ni Bello kailangang mag-provide ang mga employers ng shuttle services sa kanilang workers kung gusto nilang physically present ang kanilang mga empleyado dahil ipinagbabawal pa rin naman ang public transport sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) areas.
Maalalang sa ilalim ng MECQ ay pinapayagan nang mag-resume ang operasyon ng ilang mga negosyo pero nasa 50 percent lamang ng workforce ang physically present.