Idinipensa ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) ang kanilang rekomendasyon na huwag munang ilagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Professor Guido David ng UP-OCTA Research Team, ito ay sa kadahilanang puno pa rin ang mga hospitals dito sa National Capital Region (NCR).
Maliban dito, delayed din umano ang epekto ng community quarantine na naradamdaman matapos ang dalawang linggo pa.
Dagdag ni David, sa oras na isailalim aa MGCQ ang Metro Manila ay posibleng muling lolobo ang magpositibo sa covid positive.
Sa ngayon, ipinanukala ni David na tignan, obserbahan at ire-evaluate muna raw ang sitwasyon sa NCR bago ibalik sa MGCQ.
Una nang sinabi ng mga eksperto na epektibo ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa NCR dahil bumabagal ang pagkalat ng virus.