Binalaan ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang mga COVID-19 vaccine recipients na hindi sumisipot sa kanilang schedule na pagpapabakuna.
Ayon kay Tiangco, posibleng mapasama sa blacklist ng lungsod ang naturang mga indibidwal sa COVID-19 vaccination program ng lungsod.
Sinabi ng alkalde na aabot sa 500 katao na naka-schedule na magpabakuna ang hindi sumipot sa vaccination sites.
Iginiit ni Tiangco na mayroong mga tao na nais nang magpabakuna pero hindi napagbibigyan kaya hindi tamang hindi sumisipot ang ilan sa kanilang schedule.
Samantala, para naman sa mga hind nakatanggap ng confirmation text message para sa kanilang vaccination schedule, sinabi ng alkalde na ang maaring gawin ng mga ito ay kuhanan ng screenshot ang confirmation at ipakita na lamang sa inoculation site.