-- Advertisements --

Mahigpit na binabantayan ngayon ng Philippine Space Agency ang debris mula sa rocket ng China na Long March 7A (CZ-7A) na maaaring mahulog ang mga debris nito malapit sa Cagayan at Ilocos Norte.

Ayon sa PhilSA na inilunsad ng China nila ang nasabing rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island dakong 9:19 ng gabi nitong Martes.

Naberipika ng ahensiya ang estimated na drop zones ng mga debris matapos makatanggap sila ng mga abiso mula sa Civil Aviation Administration ng China.

Ilan sa mga drop zone na kanilang na-identify ay sa 71 kilometers mula sa Burgos, Ilocos Norte habang ang drop zone 2 ay tinatayang 52 kilometers ng Sta. Ana. Cagayan.

-- Advertisement --

Bagamat hindi ito tatama sa kalupaan ay makakaapekto ito sa mga barko, eroplano sa mga lugar na dadaaanan ng debris.

Magugunitang noong Huloy ay mayroong debris na rin ang nakita sa karagatan ng Pilipinas mula sa Long March 5B rocket na rin ng China.

Nanawagan din ang ahensiya na agad nilang ipaalam sa kanila ang sinumang makakita ng mga debris ng nasabing Chinese rockets.