-- Advertisements --

NAGA CITY- Nag-umpisa na ring magsidagsaan ang mga deboto ng Itim na Nazareno ng Holy Cross Parish sa Plaza Quezon sa lungsod ng Naga.

Ito’y kaugnay ng Kapistahan ng nasabing poon ngayong araw.

Nabatid na bago tumulak pabalik sa Holy Cross Parish mamayang gabi pagkatapos ng ilang mga aktibidad ay magsasagawa muna ng isang misa.

Una rito, mas pinaigting pa ng mga otoridad ang security measures sa pagbabantay sa mga deboto hanggang sa matapos ang aktibidad.

Aabot sa 150 pulis ang ikinalat para rito.

Samantala, inaasahan naman na dadaluhan ito ng libu-libong mga deboto na mula sa mga karatig na probinsya at bayan ng Camarines Sur upang makiisa sa selebrasyon.