-- Advertisements --

Dumoble pa ang bilang ng mga 15-anyos na dalaga ang nabuntis sa loob ng 10 taon, ayon sa Commission on Population and Development (PopCom).

Ang report na ito ay para na rin suportahan ang isinusulong na panukala na magtataas ng edad para sa statutory rape at pagpapaigting na rin ng sex education sa bansa.

Sinabi ni PopCom Executive Director Juan Antonio Perez III, tumaas pa lalo ang bilang ng mga babaeng nagbubuntis sa edad na 10-14 na taong gulang.

Aniya aabot ng 40-50 10 year olds ang nanganganak kada araw. Sa kabuuang total ay 62,000 minors ang nabubuntis.

Ayon naman kay Senate Majority Leader Miguel Zubiri na makakatulong daw na maiwasan ang adolescent preganancies kung tataasan sa 16-years old ang age of consent sa bansa na dati ay 12-taong gulang lamang.

Ibig sabihin lamang nito na ang sinomang magkakaroon ng sexual relation o makikipagtalik sa bata na may edad 16 pababa ay mananagot sa batas.