Naalarma si National Task Force (NTF) COVID-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez Jr., dahil sa datos na kaniyang natanggap na nagpapakitang 77 percent ng coronaviurs patients sa sa Batangas ay kasalukuiyang naka-quarantine sa kani-kanilang mga bahay.
As of Sept. 21 ay mayroong 2,599 active cases ang naturang lalawigan at 2,004 sa mga ito ang naka self-isolation lamang.
Batay sa isang pag-aaral, mas malaki raw ang tsansa na makahawa ang isang pasyente kung mananatili lamang ito sa kaniyang tahanan.
Dahil dito ay hinikayat ni Galvez ang provincial office ng probinsya na ipadala sa quarantine facilities ang mga positibo sa deadly virus.
Nagbalik-tanaw din ito sa biglang pagtaas ng naitatalang kaso sa Cebu kung saan natalo na nito ang National Capital Region (NCR) dahil 1,900 sa kanilang pasyente ang naka-home quarantine.
Ayon kay Galvez, magkakaroon sila ng direktiba kung saan pagbabawalan ang home quarantine para sa mga indibidwal na carrier ng virus. Tulad aniya ng ginagawa sa Maynila ay gagamnitin ang mga hotels, resort at quarantine facility upang isailalim sa isolation ang mga asymptomatic cases.
Mawawalang bisa lamang umano ang ginagawang aggressive testing at aggressive contact tracing ng gobyerno kung ipagpapatuloy ang ganitong hakbang.
Sinabi naman ni Batangas Provincial health officer Rozvilinda Ozaeta na kakailanganin ng lungsod ang mas marami pang isolation facilities at health personnel para maipatupad ang “no-home quarantine” policy.
Sa ngayon ay mayroon ng 27 functional temporary treatment at monitoring facilities ang probinsya.
Nirekomenda rin ni Galvez na madagdagagn pa ang COVID-19 testing machines sa Batangas habang hinihintay pa ang accreditation para sa dalawa pang testing facilities.