-- Advertisements --

SOUTH COTABATO – Umabot na sa tatlong barangay ang apektado ng mga tension cracks at mga landslide sa bayan ng Lake Sebu na sanhi ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga malakas na pag ulan.

Ayon kay Lake Sebu Mayor Floro Gandam, ang mga barangay na apektado ay kinabibilangan ng Barangay Ned, Lamcade at Lamfugon.

Dahil dito, mayroong mga pangunahing lansangan na halos hindi na madaanan ng mga sasakyan at maging ng mga residente.

Nagpapatuloy sa ngayon ang ocular inspection sa mga lugar na apektado upang malaman ang kabuuang danyos sa kalamidad.

Dagdag pa ng alkalde na agad nitong ipinagutos ang pagbibigay ng paunang tulong sa mga apektadong pamilya, habang nagpapatuloy din ang assessment.