-- Advertisements --

Ipinapamahagi na sa iba’t ibang regional offices sa bansa ang tatlong daan at siyamnapung libong doses ng bivalent Covid-19 vaccines mula sa COVAX Facility, ayon yan sa DOH.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa, ito ay mga donasyon mula sa ibang bansa.

Uunahin ng ahensya ang pagbibigay ng mga bivalent na bakuna bilang pangatlong booster jab sa mga matatandang populasyon, mga taong may commorbidities, at mga healthcare workers.

Karamihan sa mga ito ay ibinibigay sa National Capital Region, at sinabi ni Herbosa na ang DOH ay nakikipag-negosasyon na sa iba’t-ibang sektor upang makakuha ng higit pa dahil hindi ito sapat para sa buong bansa.

Gayunpaman, inamin niya na may “snag and issues” pagdating sa pagkuha ng mga bakuna dahil inalis na ng World Health Organization ang public health emergency status ng Covid-19.

Dagdag pa ng kalihim, hindi lang ang Pilipinas ang nagnanais ng bivalent, kundi lahat ng bansa ay nag-aagawan din dito.

Hindi pa nagpapayo ang health chief sa distribution status ng bivalent vaccines ngunit kinumpirma nito na kapag natanggap na ito ng mga local government units mula sa DOH regional hubs, maaari na nilang ibigay ang mga jab sa nasabing priority groups.