-- Advertisements --

LAOAG CITY – Hindi lang sa iba’t-ibang palaro ang pinaghahandaan ng mga delegado sa Palarong Pambansa kundi pagandahan pa ang mga ito sa kanilang billeting areas.
Kanya-kanyang ring diskarte ang mga delegates para makalikom ng pondo na gagamitin nila sa pagpapaganda ng kanilang billeting area.

Napag-alaman na sa pagtatapos ng Palarong Pambansa 2025 ay dito malalaman kung anong rehiyon ang tatanghaling pinakamagandang billeting area.

Samantala, target ng Region 4-A o Calabarzon na makuha ang unang pwesto sa Palarong Pambansa 2025.

Ayon kay ni Mr. Jun Gallaza, Athletics Coach ng Imus City Division Calabarzon, mahirap kalabanin ang National Capital Region na overall champion noong Palarong Pambansa 2024, subalit pipilitin nilang masungkit ang unang pwesto.

Maalala na ang Calabarzon ang Ranked 2 sa Palarong Pambansa noong nakaraang taong kung saan nakakuha sila ng 57 gold, 51 silver, at 53 bronze medals.