-- Advertisements --
Posibleng sa katapusan pa ng Setyembre o sa Oktubre masisimulan ng pamahalaan ang pagbakuna sa mga bata at teenagers kontra COVID-19, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
Iminungkahi na rin kasi nila dati pa sa National Immunization Technical Advisory Group at sa mga eksperto na isama rin ang mga bata sa COVID-1 vaccination sa lalong madaling panahon dahil maging sila ay vulnerable na rin, lalo na iyong mga mayroong comorbidities.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang negosasyon ng pamahalaan para sa humigit kumulang 26 million vaccine doses para sa mga batang edad 15 pataas.
Sa ngayon, tanging ang Pfizer pa lang ang mayroong emergency use authorization para sa bakuna nila kontr COVID-19 na maaring gamitin sa edad 12 hanggang 15.