Hinarang at binomba ng water cannon ng China ang mga barko ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply patungo sa BRP sierra madre sa Ayungin Shoal ngayong araw.
Sa ulat mula sa Philippine Coast Guard, binomba ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard at ang isang resupply boat na ML kalayaan.
Hila hila ng BRP Sindangan, napilitang bumalik sa pantalan ang ML kalayaan dahil sa nasirang makina nito. ayon yan kay PCG spokesperson for WPS Comm. Jay Tarriela.
Sa pahayag ng China Coast Guard, sinisi ng China ang Pilipinas at sinabing hindi ito nakinig sa mga babala nito. Nagsagawa rin daw umano ang Yunaza May 1 ng unprofessional at dangerous manner.
Samantala, sa pahayag ng Natioal Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), illegal na naglatag ulit ang Chinese Coast Guard ng floating barrier sa southeast entrance ng Bajo De Masinloc.