-- Advertisements --
 Kadiwa on Wheels

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na maaaring mag-request ng Kadiwa Market on Wheels ang mga barangay sa buong bansa.

Sinabi ni Department Agriculture (DA) Usec. Kristine Evangelista makipag-ugnayan lamang ang brgy at homeowners sa opisina ng DA Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS).

Para sa probinya ay makipag-ugnayan lamang sa regional office ng DA.

Tatagal ng 2 hanggang 3 oras ang Kadiwa Market on Wheels sa kada brgy at iikot pa sa ibang lugar.

Dito makabibili ng mas murang mga agriculture products tulad ng bigas, karne, itlog at gulay na mas mababa ng P20 ang presyo kumpara sa ibang pamilihan.

Ginawa ito ng kagawaran sa harap ng nakaambang pagtaas ng presyo ng gulay na P10 hanggang P20 ay maaari pa ring makabili ng mas murang agriculture product.