Umaasa ang Department of Agriculture na maaaprubahan ngayong taon ang paggamit sa bansa ng mga bakuna laban sa sakit na African Swine Fever.
Ito ang inihayag ahensya sa gitna ng mga suliraning kinakaharap ng bansa nang dahil sa paglaganap ng hog infection na nakakaapekto naman sa supply ng karne sa Pilipinas.
Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel De Mesa, inaasahang mag-aapply para sa certification for commercial use ngayong taon ang mga kumpanyang gumagawa ng ASF vaccine mula Estados Unidos, at Vietnam.
Ito ay upang masimulan na aniya ang pagsasagawa ng nationwide vaccination program nito.
Paliwanag opsiyal, hangga’t wala kasi aniyang bakuna laban sa sakit na African Swine Fever ay mananatili itong problema sa bansa partikular na sa industriya ng pagbababoy.
Ang African swine fever (ASF) ay isang lubhang nakahahawang sakit ng mga baboy na sanhi ng virus na mabilis na kumakalat sa pamamagitan ng direktang kontak sa mga baboy na may impeksiyon, kontaminadong mga sasakyan, kagamitan o kasuotan, at sa pamamagitan ng pagpapakain sa mga baboy ng may impeksiyong tira-tirang mga karne.