-- Advertisements --

Ipinaliwanag muli ng Food and Drugs Administration (FDA) na epektibo pa rin ang mga bakuna laban sa COVID-19.

Base sa kanilang datus na maliit lamang ang porsyento na nahahawahan ang mga itinuturing na fully-vaccinated.

Maituturing na fully effective at fully vaccinated na ang isang tao kapag umabot na sa 14 araw mula ng maiturok ang ikalawang dose.

Dagdag pa ng FDA dahil dito ay asahan na ang infections dahil walang bakuna ang inaasahang 100 percent na epektibo pero ang mga bakuna laban sa COVID-19 kahit na anumang brand ay kayang mailayo ang isang tao sa matinding pagkakasakit at kamatayan.