-- Advertisements --

Magkatuwang na bubuo ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ng mga bagong istratehiya para sa layuning tuluyan nang magsugpo ang insurhensiya sa Pilipinas.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr. kasalukuyan na nilang tinatalakay ngayon kasama ang AFP ang iba’t-ibang mga istratehiyang dapat kanilang ipapatupad upang matiyak na hindi na makakabalik pa ang mga guerilla fronts sa ating bansa.

Kasabay ito ng kanilang patuloy na pagsusumikap na gawin ang lahat upang masigurong hindi na muling mabubuhay pa ang naturang mga guerilla fronts.

Kung maaalala, una nang iniulat ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na sa ngayon ay nasa 11 guerilla fronts na lamang ang kanilang namonitor na natitira habang nasa humigit-kumulang 1,500 na mga miyembro ng komunistang teroristang grupo na lamang nalalabi ngayon buong bansa na pawang mahihina na lamang.