-- Advertisements --

Nakasalang na para sa pagsasailalim ng general overhauling ang dalawang bagong ng Metro Rail Transit 3.

Ayon sa Department of Transportation na natapos na ang 70 bagon ng MRT-3 light rail vehicles (LRV) ang na-overhauled.

Matagumpay na inilagay sa mga mainline ng MRT ang mga ito noon pang Disyembre 9, 2022.

Tiniyak ng DOTr na magiging mabilis, ligtas at komportable na ang pagsakay ng mga mamamayan sa MRT-3.