-- Advertisements --

Aminado ang Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi maiwasan na gamitin sa pulitika ang mga ayudang ibinibigay ng gobyerno.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing na dahil sa nalalapit na ang halalan sa bansa ay hindi maiwasan na gagamitin ito ng ilang mga pulitiko.

Tiniyak naman nito na kanilang sasampahan ng kaso ang sinumang pulitiko na gagamitin sa pamumulitika ang ibinibigay na ayuda ng gobyerno.

Magugunitang magbibigay ang national government ng tulong sa mga naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus.