CENTRAL MINDANAO-Nasabat ng mga tauhan ng 40th Infantry Battalion Philippine Army ang mga armas at mga pampasabog ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay 601st Brigade Commander Colonel Oriel Pangcog na habang nagsagawa ng fucosed military operation ang mga tauhan ng 40th IB sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Edwin Alburo laban kay alyas Banjo at mga tauhan nito ng BIFF-Bungos faction sa Barangay Kitapok Datu Saudi Ampatuan Maguindanao.
Narekober ng mga sundalo sa kuta ng mga terorista ang isang M16 armalite rifle,(1) unexploded ordnance (UXO), 60mm Mortar ,3 Anti-Personnel Mine;mga bala,magasin,4 handheld radios,mgaf parte ng mga armas,personal na kagamitan at mga sangkap sa paggawa ng bomba.
Hinimok ni Col Pangcog ang lahat na patuloy na suportahan at makipagtulungan sa tropa ng militar dahil bawat sandata na makukuha sa kalaban ay katumbas ng pagliligtas ng maraming inosenteng buhay at pagtiyak sa kanila ng isang magandang kinabukasan.
Pinuri naman ng Acting Commander ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central, Major General Roberto Capulong ang tropa ng 40IB sa mahusay na trabaho sa pagbawi ng mga armas at pampasabog ay mahalaga sa paghahanap para sa pagkamit at pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa lugar.