
Hinihikayat ng Department of Budget and Management ang lahat ng government agencies na simulan ng maaga ang pagbili Ng mga kailangang gamit para sa kanilang tanggapan.
Ang panawagan ay ginawa ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ngayong higit Ng 50 porsiyento ng tanggapan Ng pamahalaan Ang nakatanggap na Ng kani- kanilang budget allocation para sa ngayong taong ito ng 2023.
Paliwanag ng DBM Chief, kung maaga kasing ikakasa ng mga government offices Ang kanilang procurement activities ay mas makatitiyak na maipatutupad Ang kani- kanilang mga programa at proyekto.
Ito ang dahilan sabi ng Kalihim kaya’t sinisikap nilang mailabas Ang budget sa lalong madaling panahon na Ngayon nga ay
56.4 percent Ng released.
Naniniwala ani Pangandamam Sila na napaka- crucial Ng timing sa pagre- release Ng pondo sa implementasyon ng mga proyekto Ng gobyerno kaya’t ginagawa nila Ang lahat para mailabas ito sa lalong madaling panahon.










