-- Advertisements --
Natapos naman sa 0-0 draw ang laban ng Mexico at Poland para sa Group D ng FIFA World Cup Qatar.
Sa unang bahagi ng laro ay naging matindi ang pagbabantay ng bawat koponan kaya walang nakapag-goal.
Pagpasok ng second half ay may tsansa sana ang Poland na makapagtala ng goal sa pamamagitan ng striker Robert Lewandowski ng mabigyan ng penalty kick.
Agad naman na nasalo ni goal keeper Guilleromo Ochoa ang bola hanggang matapos ang laro sa 0-0.
Nasa ranked 26 ang Poland habang ranked 13 naman ang Mexico.










