-- Advertisements --

Plano ngayon na kasuhan ng Mexico ang Google matapos na makailang ulit nilang tinatanggihan ang panawagan na hindi dapat tawagan ang Gulf of Mexico bilang Gulf of America sa kanilang Google Maps ng US.

Sinabi ni President Claudia Sheinbaum , desidido sila uko sa nasabing usapin.

Hindi naman na nito binanggit kung saang korte niya ito isasampa.

Una rito ay desidido si US President Donald Trump na tawaging Gulf of America ang Gulf of Mexico dahil sa lahat aniya ng mga trabaho ay ginagawa ng US.