-- Advertisements --

Muling nakapagtala ng mataas na heat index ang Pagasa sa Metro Manila at iba pang bahagi ng ating bansa.

Ayon sa weather bureau, naramdaman ang 42 degrees Celsius kanina sa Science Garden, Quezon City.

Bandang alas-12:45 ng tanghali nai-record ang pinakamataas na temperatura ngayong araw.

Unang nakaranas ng 42 degrees Celsius sa Kalakhang Maynila noong nakaraang Miyerkules lamang.

Paalala ng Pagasa, iwasan ang pagbibilad sa direktang sikat ng araw at uminom ng maraming tubig upang makaiwas sa mga sakit na maaaring idulot ng mainit na panahon.