National Capital Region ang nakikitang lugar sa bansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may pinakamalaking demand para sa pabahay.
Ang pahayag ay ginawa ng punong ehekutibo sa gitna ng puspusang kampanya nito na pabahay para sa mga walang sariling tahanang mga Pilipino.
Kaya kung mayroon aniyang isang lugar sa bansa na dapat unahin sa proyektong pabahay ng gobyerno, isa na dito sabi ng pangulo ang kalakhang Maynila.
Kasama rin sa mga uunahing mabigyan ng housing projects dagdag ng pangulo ay ang mga karatig o kalapit na mga lugar sa Metro Manila.
Kamakailan lamang ay nagkaroon na ng turn over ng Certificates of Eligibility of Lot Allocation (CELA) at Transfer of Certificate Titles sa beneficiaries sa isang housing site sa Naic, Cavite habang kahapon naman ay pinangunahan ng pangulo ang groundbreaking sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino sa Palayan City sa Nueva Ecija.