-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas sa mga susunod na araw ang mga Metro Manila mayors ng karagdagang guidelines para sa mga batang edad 5 pataas na pinapayagan nang makalabas ng bahay.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, nakatakdang magpulong ang Metro Manila Council sa mga susunod na araw para gumawa ng guidelines tulad na lamang ng sa kung saang mga lugar na maaring magpunta ang mga bata at dapat ay may bantay na nakatatanda talaga ang mga ito sa tuwing sila ay gagala.

Kamakailan lang, pinayagan na ng Interagency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga batang edad lima pataas na magpunta sa mga parks, playgrounds, outdoor tourist sites sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine at general community quarantine.

Pero bawal naman ang mga batang ito sa “mixed-use indoor/outdoor buildings at mga pasilidad tulad ng mga malls at kaparehong mga establisiyemento.”

Mayroon ding otoridad ang mga local government units na taasan ang age restrictions dipende sa sitwasyon sa kanilang lugar.