-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) ang panibagong bawas singil sa kuryente para sa buwan ng Agosto.

Ito ay bahagi ng nagpapatuloy na pag-refund ng kompaniya alinsunod sa direktiba ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay may bawas na 20.87 centavos per kilowatt-hour ngayong buwan hanggang P9.5458/kWh mula sa P9.7545/kWh.

Ito ay katumbas ng P42 na bawas singil sa kabuuang bill ng isang residential customer na komokonsumo ng 200 kWh.

Matatandaan na noong nakalipas na buwan ipinag-utos ng ERC sa Meralco ang pag-refund ng P21.8 billion sa loob ng 12 buwan o hanggang sa fully refunded ang naturang halaga.