-- Advertisements --
image 182

Inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na magpapatupad ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.

Sa inilabas na advisory ng Meralco, ang overall household rate ay magkakaroon ng umento na P0.05453 per kilowatt-hour (kWh) hanggang P11.4348 per kWh mula sa P10.8895 per kWh noong Pebrero.

Ito ay katumbas ng P109 sa kabuuang bill ng kuryente ng isang typical household na komokonsumo ng 200 kilowatt per hour.

Ang karagdagang singil sa kuryente ngayong Marso ay resulta mula sa mas mataas na generation charge na P0.4636 per kWH hanggang P7.3790 per kWh dahil sa mas mataas na supply costs mula sa paggamit ng mas mahal na alternatibong langis para matiyak ang tuluy-tuloy na suplay ng kuryente.