-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY- Patuloy pang ginagamot sa ospital ang isang grade 10 student matapos magbigti sa Brgy Nazareth nitong lungsod.
Sinabi ni Macansandig Police Station Commander Major Duyle Buenaflor na ipagtaka ng mga kaklase ng biktima matapos hindi ito pumasok sa paaralan kaya pinuntahan sa kanilang bahay at naabutan na lamang na nakabitin gamit ang kadena ng aso kayat mabilis na isinugod sa bahay pagamutan.
Ayon kay Buenaflor, lumabas sa kanilang imbestigasyon na problema sa pamilya at lovelife ang nagtulak sa binatilyo na subukang kitilin ang sariling buhay.
Una na rin umanong nagbanta ang biktima na magpapakamatay kung iiwanan siya ng kanyang kasintahan.