-- Advertisements --
remulla

Posibleng magpalabas na ng memorandum order ngayong araw si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y pagdukot ng mga pulis sa dalawang human rights activists at development workers sa Cebu City.

Nauna nang ini-report ang umano’y abduction kina Dyan Gumanao at Armand Dayoha na dinukot ng nagpakilalang mga pulis.

Gayunman ay pinakawalan na ang mga biktima makalipas ang ilang araw makaraang kumalat na sa social media ang video ng aktuwal na sinasabing pagdukot.

Samantala tumanggi munang magbigay ng iba pang detalye si Remulla dahil hihintayin pa umano niya ang inisyal na report ng NBI.