-- Advertisements --

Hindi umano inaasahan ni Meghan Markle ang pagkakadawit din ng pangalan ni Prince Andrew sa kontrobersyal na sex offender na si Jeffrey Epstein.

Ikinagulat daw ng Duchess of Sussex ang mga naging pahayag ng 59-anyos na prinsipe sa diumano’y pakikipagtalik nito sa 17-anyos na biktima ni Epstein na kinilalang si Virginia Roberts Giuffe.

Si Markle ay kasalukuyang sinusuportahan ang charity na tumutulong sa mga kababaihan na naging biktima nang panghahalay.

Hindi raw naging komportable si Markle sa mga binitawang salita ni Prince Andrew kung saan sinabi nito na “positive act” umano ang kaniyang nagawa na pakikipagtalik sa nasabing biktima.

Noong nakaraang linggo nang utusan umano si Prince Andrew na tanggaling ang kaniyang opisina sa loob ng Buckingham Palace matapos nitong ianunsyo ang kaniyang pormal na pagtalikod mula sa mga tungkulin nito.