-- Advertisements --
Hindi napigilan ni Russian tennis star Daniil Medvedev na magwala matapos na matalo ito sa unang round ng US Open.
Hindi maiwasan ng mga audience na batikusin ang Russian tennis dahil sa pagwawala noong ito ay talunin ni Benjamin Bonzi sa Louis Armstrong Stadium sa New York.
Makikitang pinagpapalo ni Medvedev ang kaniyang tennis racket hanggang tuluyan itong nasira.
Bahagyang nahinto kasi ang laro ng kinuwestiyon niya ang tawag ng opisyal ukol sa service subalit ng hindi ito napagbigyan ay doon na nagwala at sinira ang raketa.
Matapos ang ilang minuto ay bumalik siya sa paglalaro subalit natalo ito.
Inaasahan na ni Medvedev na mahaharap siya matinding parusa dahil sa ginawa niya.