-- Advertisements --
BSKE

Pinayuhan ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (MDATRC) ang mga nagbabalak kumandidato sa BSKE 2023 na sumailalim muna sa drug test bago maghain ng kandidatura.

Ayon kay Dr. Nelson Dancel, ang medical chief ng pinakamalaking drug rehab center ng Pilipinas, nararapat lamang na sumailalim muna ang mga kandidato sa drug test bago nila subukang kumandidato at magsilbi.

Kailangan aniyang matuto ang mga kandidato, mapa-brgy man o Sangguniang Kabataan, ukol sa mga naging leksyon sa mga nakalipas na panahon kung saan ilang mga brgy captain ang sumusuko sa naturang rehab center upang sumailalim sa rehabilitasyon dahil sa labis na pagkalulong sa ilegal na droga.

Ilan sa mga binanggit ng Doktor ay dalawang kapitan ng brgy mula sa Cabanatuan City at Palayan City sa Nueva Vizcaya.

Ang mga naturang opisyal ng brgy ay sumailalim sa mahaba-habang rehabilitasyon, sa kabila ng pagiging opisyal nila sa brgy.

Payo ng eksperto sa mga tatakbong kandidato, dapat siguraduhin nilang malinis sila mula sa ilegal na droga, bago pa man magsilbi sa brgy o sa mga kabataan.