CAUAYAN CITY- Nasa pangalawang araw na ng strike ang mga Kasapi ng Medical Association of Haiti upang kondenahin ang naganap na pagdukot sa dalawang Doktor sa naturang bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginang Nene Sylvain, gurong Pinay sa Haiti na mayroong dalawang doktor na kinabibilangan ng isang Neurologist at Gynecologist ang dinukot sa kanilang clinic noong unang linggo ng Marso.
Sinabi ni Ginang Sylvain na nababahala na ngayon ang mga Doktor dahil sa ginawang pagdukot sa kanilang kasamahan.
Dahil sa ginagawang strike ng mga Doktor ay sarado na ang mga clinic maging ang mga laboratories sa Port-au-Prince, Haiti.
Punuhan ngayon ng mga pasyente ang mga hospital.
Sa ngayon ay walang katugunan ang Minsitry of Health ng Haiti kaugnay sa strike ng mga doktor.
Nanindigan ang mga doktor na tuloy tuloy ang kanilang strike hanggat hindi pinapakawalan ang dalawang doktor na dinukot.
Araw araw anyang mayroong nagaganap na pagdukot sa Haiti ng mga hindi pa matukoy na grupo na una na ring dumukot sa mga missionary sa naturang bansa.