Aprubado na sa 3rd and final reading sa Mababang Kapulungan ang House Bill 454 o Media Workers’ Welfare Act.
Layon ng panukala na palakasin at tiyakin na naibibigay ng media companies at networks ang tamang kompensasyon at benepisyo sa mga media workers.
Sakop nito ang tamang pasahod, security of tenure, hazard at overtime pay, insurance at iba pang benepisyo tulad nang SSS, Philhealth at PAG-IBIG.
Sa ilalim ng nasabing panukala na ang entry-level position ng isang media worker ay makatatanggap ng minimum wage na itatakda ng national wages ang productivity commission o kaya ay regional tripartite wages and productivity boards.
Kung magtuloy-tuloy ang empleyo sa loob ng anim na buwan ay dapat na itong ikonsidera bilang regular employee.
” The approval of the measure highlights the importance we in the house give to promoting the welfare of media personnel and ensuring that the press remains free,” mensahe ni Speaker Rumualdez.
Sa kabilang dako, ang mga miyembro ng media na aatasan na mag-cover sa mga delikadong sitwasyon ay bibigyan ng karagdagang ₱500 arawang sahod bukod pa sa paglalaan ng protective equipment.
Inoobiliga din ang mga kumpanya na magkaroon ng P200,000 death and disability benefits ang apektadong mamamahayag at P100,000 medical insurance benefit.
Nakasaad sa naturang panukala na bubuo ng isang News Media Tripartite Council na siyang titiyak na nasusunod ang pagbibigay proteksyon sa mga taga media.