Hindi balakid para sa Kamara ang pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MEQC) sa pag-apruba nila ng Bayanihan to Recovery as One Act (Bayanihan 2), ayon kay House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda.
Sa nakalipas na mga buwan kasi ay ginagawa na rin naman nila ang kanilang trabaho sa Kongreso sa pamamagitan ng “remote discussion” kaya hindi aniya magiging problema ang pagpapatupad ng MECQ sa buong Metro Manila.
Sinabi ni Salceda na iminungkahi niya kay Speaker Alan Peter Cayetano na talakayin ng isang buo ang stimulus bills na nakabinbin sa Kamara sa halip na gawin ito ng paisa-isa.
“It should not be lost upon us, both the House and the Senate, that the ultimate goal of all the proposals is economic recovery, and that the programs should work to complement one another,” ani Cayetano.
Sa ganitong pamamaraan ay marahil aniya na sa susunod na dalawang linggo ay enacted o aprubado na ang mga stimulus packages na ito, partikular na ang Bayanihan 2.
“In other words, the stimulus bills are top priority, and will be enacted quickly.”










