-- Advertisements --
Hinangaan ng football fans si Kylian Mbappe matpaos na magtala ng dalawang goals para madala ang koponang Paris Saint-Germain sa quarterfinals ng Champions League.
Dahil sa goal ng 25-anyos na French soccer player ay tinalo nila 2-1 ang Real Sociedad sa San Sebastian, Spain.
Sa unang goal na kaniyang nagawa sa 15 minuto ay nagresulta pa sa pagkabutas ng sa pagitan ng poste at net.
Dahil sa pangyayari ay bahagyang pinahinto ang laro para ayusin ang mga nasirang poste.
Pagpasok ng second half ay doon niya naipasok ang ikalawang goal.
Ikinagalak naman nito ang tagumpay sa laro kung saan pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans na patuloy na pagsuporta sa kanilang laro.