-- Advertisements --
Labis ang kalungkutan ni US retired boxing champion Floyd Mayweather sa pagkamatay ng isa niyang boksingero na si Danny Gonzales.
Binaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang 22-anyos na boxer habang ito ay nasa Moreno Valley sa California.
Ligtas naman ang dalawa nitong kasama na nagtamo lamang ng maliit na sugat.
Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril sa bagitong boksingero.
Sa kaniyang social media, nagpost ng larawan si Mayweather na kasama nito sai Gonzales.
Ipinaabot nito ang kaniyang pakikiramay sa kaanak ng biktima.
Taong 2016 ng pumirma si Gonzales sa Mayweather Promotions.