-- Advertisements --

ILOILO CITY – Dismayado si Iloilo City Mayor Jerry Trenas dahil sa pagtutol ng isang partylist representative mula Iloilo Province sa pagpapatayo umano ng Iloilo City Hospital o ang itinutulak na Uswag Hospital.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na hindi niya maintindihan kung ano ang nais mangyari ng naturang kongresista na hindi niya pinangalanan.

SHARON GARIN 2

Pero kung pagbabasehan ang 2019 election results, ang nag-iisang partylist mula Iloilo ay ang AAMBIS-OWA na kinakatawan ni Representative Sharon Garin.

Tinawag naman ni Garin na “unfair” ang akusasyon kasabay nang paliwanag na hindi maaaring ipangalan ang ospital sa isang partylist kagaya ng Uswag.

Aniya, maging si Iloilo City Lone District Rep. Julienne Baronda ay pumabor din sa kanyang paliwanag.