-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nasa Davao lamang ito kahapon sa huling filing ng certificate of candidacy (CoC).

Sa kanyang mensahe, humihingi ng paumanhin ang alkalde sa mga naghintay, umiyak, nalungkot, nagalit, sumakabilang-bakod, napagod, napuyat, nauhaw at nagutom.

Ayon kay Mayor Inday na kahit wala man siya sa Sofitel, marami pa rin ang hindi nawalan ng pag-asa at nagtiya sa paghihintay sa kanya.

Ramdan umano ni Mayor Inday ang matinding suporta sa kanya kahit na tahimik lamang siya sa Davao.

Nagpapasalamat rin ang alkalde dahil marami ang nakapuri sa liderato na kanyang ipinatupad sa lungsod lalo na yung mga nakakapunta na sa Davao na nagmula sa ibang lugar.

Sinabi rin ng opisyal na isang malaking karangalan para sa kanya ang matinding suporta na ipinakita at patuloy na ipinapakita kahit na umano na hindi pa magkakakilala ang isa’t-isa.

Inihayag rin nito na masarap umanong isipin na solid ang binibigay na suporta at pagmamahal ng mga tao kahit ano man daw ang kanyang puwesto at hindi niya ito makakalimutan.

Kung maalala una ng lumabas ang impormasyon na pumunta umano si Mayor Inday sa Maynila para maghain ng Co C sa pagka-pangulo bagay na pinabulaanan ng kanyang malalapit na kaibigan.