-- Advertisements --

Patuloy na nakikiusap si  Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanilang mga supporters na ang UniTeam tandem nila ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer former Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang suportahan sa nalalapit na halalan.

Ginawa ito ni Duterte-Carpio sa harap nang ginagawang pagtatambal sa kanya ng ilang mga fans sa ibang mga presidential candidate para sa 2022 national elections sa darating na Mayo.

“Well nagpapasalamat ako sa lahat ng mga supporters sa kanilang patuloy na pagsuporta and sa kanilang pagpapakita ng mainit na suporta sa akin,” ani Duterte-Carpio.

Kasabay nito ay muling iginiit ng presidential daughter na pagkakaisa sa lahat ng mga Pilipino ang kanilang apela hindi lamang sa kanilang mga supporters kundi maging para sa lahat.

Sa kabilang dako, nangangako si Duterte-Carpio na kapag siya ay palarin sa halalan lalo pa niyang palalakasin ang law enforcementsa bansa.

Hindi lamang kontra sa droga, terorismo, kriminalidad kundi pati rin sa insurgency.