DAVAO CITY – Magsisilbi muna ngayon bilang acting mayor ng lungsod si Davao City Vice Mayor Sebastian Duterte matapos umanong pumunta ng Singapore si Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio.
Sinasabing alas nuebe ng umaga kahapon ng dumating ni Mayor Inday sa NAIA Terminal 2 sakay umano ng Philippine Airlines (PAL) flight at dumiretso sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City.
Pasado alas dos na ng hapon ng sumakay si Mayor Inday sa Singapore Airlines flight (SQ-917) kung saan dumaan ito sa boarding gate no.115 ng terminal.
Kung maalala una na rin na pumunta ng Singapore ang Mayor noong buwan ng Oktubre sa nakaraang taon matapos mag-file ng kanyang medical leave.
Sinasabing kasama ng Mayor ang kanyang isang anak, assistant at isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Samantala, kinumpirma naman ni Mayor Sara na siya nga ay nasa Singapore at meron daw siyang travel authority mula sa DILG.
Ayon sa kanyang statement, naka-on leave ang alkalde mula kahapon hanggang April 10 dahil sa personal health management.
Tiniyak din niya na susundin niya ang mga protocols sa pagbabalik sa Davao City kabilang na ang RT-PCR testing at 14-day quarantine.