-- Advertisements --
Plano ng Quezon City government ng mas mahigpit na pagbibigay at paggamit ng mga QC Persons with Disability (PWD) identification cards (ID).
Ito ay matapos na makarating kay Quezon City Mayor Joy Belmonte ang talamak na pamemeke ng nasabing ID sa nasabing lungsod.
Nabunyag lamang ito ng may dalawang indibidwal ang nahulian ng pekeng PWD ID.
Inatasan na nito ang PWD Affairs office na maging mahigpit sa pamamahagi ng ID para hindi maulit ang pamemeke nito.