-- Advertisements --
CESSNA 1

Pagtutuunan ngayon ng mga search and rescue team ang area ng Bulkang Mayon para sa paghahanap sa nawawalang Cessna plane.

Ito ay matapos na iulat ng kinauukulan na mamataan ang wreckage ng naturang eroplano malapit sa bunganga ng Mayon Volcano.

Ayon kay Camalig, Alba Mayor Carlos Irwin Baldo Jr., magpapatuloy ang search and rescue operations hangga’t hindi pa nito nahahanap ang mga katawan ng mga sakay ng eroplano.

Aniya, sa oras na gumanda muli ang panahon ay target din nilang magpalipad muli ng chopper sa lugar para makakuha ng closer picture at video ng wreckage ng Cessna plane.

Kaugnay nito ay inihayag din niya na hindi nila inaalis ang posibilidad na sumabay sa agos ng tubig na galing sa Bulkang Mayon ang mga katawan ng mga sakay ng nasabing eroplano.

Ngunit sa kabila nito ay patuloy pa rin aniya silangumaasa na marerecover pa ng mga rescuers ang mga ito.

Kung maaalala, una nang inamin ng mga kinauukulan na Hindi pa rin matukoy kung mayroon pang survivor sa lugar dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa nakalalapit ang mga awtoridad dahil na rin sa sama ng panahon.

Hindi rin makapag palipad ng Helicopter dahil na rin sa lakas ng hangin sa lugar dahilan upang pansamantala munang ititigil ang operasyon.

Sa ngayon ay nakataas pa rin kasi ang Alert Level 2 ng bulkan kaya’t hinihintay pa nila ang go signal ng PHIVOLCS kung pwedeng ipagpatuloy ang kanilang isinasagawang operasyon.

Habang nanawagan na rin ang Lokal na gobyerno ng Camalig, Albay sa National Government para sa mas modernong mga kagamitan na maaaring magamit upang matukoy kung ano ang kalagayan ng Piloto at mga pasahero nito.