Inanunsyo ng Maynilad Water na sinimulan na nila ang inisyal na operasyon ng ng bagong gawang Sewage Treatment sa Marulas, Valenzuela.
Ang naturang treatment plant ay makapaglilinis ng aabot sa wastewater ng 300,000 customers.
Ito ay mula naman sa siyam na barangay ng Valenzuela City.
Sa isang pahayag, sinabi ng Maynilad na ang pamamaraang ito ay mas maituturing nang ligtas ang mag pinapakawalan nitong tubig.
Ito ang ika-23 wastewater treatment facility ng Maynilad na may kakayahang linisin ang milyong litro ng wastewater kada araw.
Samantala, sa sandaling matapos na ang installation ng 27.4-km sewer network sa Valenzuela ngayong taong 2024, makakapag kolekta na ito at makakapaglinis ng 60 MLD wastewater.
Ito ay ay mula sa barangay ng Gen. T. De Leon, Karuhatan, Malinta, Marulas, Maysan, Parada, Paso De Blas, Lingunan at West Canumay.
Sinabi pa ng Maynilad na kasalukuyang nagpapatuloy ang pag-upgrade nila ng wastewater facility sa Caloocan City.
Nagtatayo rin sila ng apat na new facilities sa Las PiƱas, Bacoor at Tunasan gayundin sa Cupang, Muntinlupa.