-- Advertisements --

Bibigyan ng sapat na panahon ng Maynilad Water Services, Inc ang kanilang mga customers para mabayaran ang kanilang mga naipong bills matapos na simulan uli nt water concessionaire ang kanilang meter reading noong Hunyo 1.

Mababatid na sinuspinde ng Maynilad ang kanilang meter reading noong Marso 16, isang araw bago ipinatupad ang enhanced community quarantine.

Nauna nang sinabi ng Maynilad na makakatanggap ang kanilang mga customers ng isang printed na bill ngayong buwan.

Tatawagin anila ito bilang “transitional” bill kung saan makikita ang actual billing at consumption para sa buwan ng Marso hanggang Mayo -kung kailan nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metero Manila- pati na rin ang actuall billing at consumption para sa buwan ng Hunyo.

Ang mga lifeline customers, o iyong mga kumukunsumo lamang ng 10 cubic meters o mas kauti pa kada buwan, ay binibigyan ng hanggang Agosto 31 para bayaran ang kanilang bill.

-- Advertisement --

Ang mga non-lifeline customers naman ay binibigyan ng hanggang Hulyo 31 para bayaran ang kanilang bill.