BAGUIO CITY – Tiniyak ng embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. na mahigpit nilang mino-monitor ang mga Pilipino sa Estados Unidos kaugnay pa rin ng mga nagyayaring malawakang protesta, lalo na ang ilang mga Filipino-American groups na nakikibahagi sa mga demonstrasyon.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Darell Ann Artates, Public Diplomacy Officer ng Philippine Embassy sa Washington D.C., kinumpirma nito na may ilang mga Fil-Am groups na kabilang sa mga nangyayaring protesta.
Dahil nga ito ay issue umano ng diskriminasyon at ng iba’t-ibang mga lahi na nag-ugat sa pagkamatay ng African-American na si George Floyd, maging ang mga Pilipino sa bansa ay apektado sa mga kaganapan.
“We are monitoring Filipino-American groups that are getting involved in the protests. This is an issue that cuts across ethnic groups. The Filipino-Americans here compose the second-largest Asian-American group. They also relate to what has been happening. They are very concerned about what is happening. We know that many of them take part in the protest actions. This is understandable. If they need any assistance from the embassy, they’ll be able to contact and reach us,” ani Artates.
Dagdag naman nito na sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na ulat ang embahada na mga Pilipinong mula sa kanilang sakop sa Washington D.C., Florida, The Carolinas, Virginia, Maryland, Georgia, Tennessee, Atlanta, at Kentucky, na nadamay at nasaktan sa karahasan na nagaganap.
“For now, we have not received a report of a Filipino or Filipino-Americans who have been injured or harmed due to the on-going protest actions,” dagdag nito.
Nanawagan din naman ito sa mga Pilipino sa bansa na patuloy na maging maingat at mangyaring makipag-ugnayan sa embahada kung nangangailangan ng tulong.
“We advise them to exercise vigilance, increase caution, and make sure that they avoid areas of protests, to be mindful of their surroundings. Practice social distancing, because we are still in the middle of the COVID-19 pandemic. Tayo po sana ay sumunod sa mga regulasyon. Kung kailangan niyo po ng tulong, mangyari po lamang na makipag-ugnayan kayo sa embahada.”