Dumating na sa Pilipinas ang may-ari ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip para sa inaabangang grand coronation night ng Miss Universe Philippines 2023.
Ibinahagi ng Thai business magnate ang kaniyang first order of business sa bansa para makipagkita sa mga nasa likod ng Miss Universe Philippines (MUP) organization kabilang ang MUP national director Shamcey Supsup, creative at events director na si Jonas Gaffud at Olivia Quido-Co.
Binati rin nito ang mga Pilipino sa kaniyang remarkable “Hello Universe! Hello Manila! at nagpasalamat sa mainit na pagtanggap sa kaniya sa Pilipinas.
Pinuri din ng Jakrajutatip ang pagiging propesyunal ng mga nasa likod ng Miss Universe Philippines organization.
Nagpaabot din ng good luck ang Miss Universe owner sa MUP organization para sa matagumpay na pagdaraos ng coronation night.
Nakatakdang dumalo si Anne sa live coronation night ng MUPH 2023 na gaganapin sa MOA Arena sa lungsod ng Pasay kung saan magpapatalbugan ang 38 kandidata para most coveted crown sa araw ng Sabado, Mayo 13.