-- Advertisements --

Tinalo ni Max Holloway si Arnold Allen sa kanilang paghaharap sa featherweight division ng UFC Fight na ginanap sa Kansas City.

Nakuha ni Holloway ang desisyon ng mga judges 49-46, 49-46, 48-47.

Dahil sa panalo ay mayroon ng 24 panalo at pitong talo si Holloway habang mayroong 19 na panalo at dalawang talo si Allen.

Sa simula pa lamang ay dominado ni Holloway ang laban kung saan mayroong 149 na suntok itong pinakawalan at 147 ang nakapasok.

Habang si Allen ay sa 80 na mga suntok ay mayroon 76 lamang ang nakapasok.