-- Advertisements --

Maagang lumasap ng pagkabigo ang Minnesota Timberwolves sa Western Conference Finals kontra sa Dallas Mavericks.

Sa simula ng laban, maagang nagpasok ng 33 ang Wolves habang nasa 27 lamang ang nakolekta ng Mavs.

Pero sa second quarter, nagsimula nang makalamang ang Dallas at nagtuloy-tuloy ito hanggang sa last quarter, kung saan hindi na nakabawi ng momentum ang Minnesota.

Gumawa si Luka Doncic ng 33 points, six rebounds at 8 assists para sa Mavs.

Habang sa panig ng Wolves ay nasayang ang 24 points ni Jaden McDaniels dahil sa kanilang pagkatalo.

Inaasahang mas mabigat na mga adjustment ang gagawin ng Minnesota sa susunod nilang paghaharap sa NBA Western Conference Finals.