-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuro ng pulisya ang Maute-ISIS bilang nasa likod ng tangkang pagpaslang sa alkalde ng bayan ng Masui, Lanao del Sur kamakailan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Lanao del Sur Provincial Police director Col. Madzghani Mukaram na mismong si Mayor Mayor Nasser Pangandaman Jr. ang umamin na matagal na itong nakakatanggap ng death threats.

Posible raw kasi na dahilan ito ng pagkaka-aresto noon sa magkapatid na sina Omar at Abdullah Maute sa kanyang bayan.

Kumbinsido si Mukaram na maituturing din na anggulo ang galit ng malalaking pamilya ng bayan sa kanilang alkalde.

Bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang pulisya para mapabilis ang kaso kung saan isa sa police escorts ni Pangandaman ang namatay.